Tuesday, December 18, 2012

Usaping Kasarian

Hindi ko na maalala kung kailan pero isang araw habang naglilinis at nag-aayos ako ng mga lumang papeles ko noong highschool, nakita ko ang dalawang piraso ng pad paper na isinulat ko tungkol sa homosexuality

Ang isa sa mga papel ay puro notes tungkol sa mga teorya sa homosexuality. 

THEORIES OF HOMOSEXUALITY
1. Pagbibigay-bansag
 - curiosity 
2. Sexual immaturity 
- hindi alam ang ipoportray na ugaling pangkasarian
3. Ugnayang naistorbo
- favoritism
- mama's boy
- papa's girl
4. Pagkakalayo sa magulang
- all boys school
5. Pagmamaltrato
*may drawing dito pero hindi ko alam paano ilalagay dito basta nakalagay lang na kapag ang tatay ay macho, at ang nanay ay mahina, mas mataas ang posibilidad na magiging tomboy daw ang anak na babae* 
6. Kapaligiran 
- media, population 

at sa ibaba ng papel, nakasulat ito: 

HW: Katanggap tanggap ba ang pagkakaroon ng homosexual sa lipunan? Bakit? 

Ang nakasulat naman sa papel ay ang isinulat kong sanaysay bilang sagot sa tanong sa HW. 
(Hindi ko na ilalagay dito ang buong sanaysay) 

...Sa aking palagay ay tama lang na tanggapin ang mga homosexual sa bansa. Bagamat ito ay labag sa paniniwala ng maraming Pilipino dahil sa pagiging Katoliko o Kristiyano, narararapat pa rin silang tanggapin bilang tao.

... Sa kabuuan ay dapat irespeto ang mga homosexual kahit ganun man sila. Sila rin naman ay mga tao rin at nangangailangan ng pagpapahalaga, atensyon at higit sa lahat ay respeto. 

Pasensya na ang sabaw lang. Hindi ko yata ito binigay dahil parang draft lang ito. *kaya sabaw* 

Ganun pa man, nakakatuwa lang isipin na kahit high school pa lang ako, mas malawak na ang pagtingin ko ukol sa mga ganitong isyu sa sekswalidad at kasarian. Ang nakalulungkot lang na isipin ay kung paano ito itinuro sa amin noon na tila parang isang sakit ang pagiging isang homosexual na sa katunayan ay hindi. 

Marami pa akong gustong sabihin tungkol sa isyu na ito pero ilalagay ko na lang sa mga susunod na entries:) 

No comments:

Post a Comment