Nagkaroon kami ng pag-uusap ng aking tatay. Nagtanong siya sa akin tungkol sa mga transgender.
"Hindi ko maintindihan iyang mga transgender," sabi niya.
"Bakit, ano bang hindi mo maintindihan sa kanila?"
"Lahat."
"Ganito kasi yan..." at nagpatuloy ako sa pagpapaliwanag kung ano nga ba talaga ang mga transgender.
Nagulat ako sa mga sumunod niyang sinabi.
"Eh di ba ikaw, bisexual ka?"
Hindi ako nakasagot sa sobrang gulat kaya napa "Ha?!" na lang ako. "Paano niyo nalaman?"
"Matagal na naming alam ng nanay mo," sabi niya.
Wala akong nasabi. Napatingin na lang ako sa kawalan. Imposible. Imposibleng malaman nila. Pinag-ingatan ko ng napakatagal ang sikreto na iyon. Hindi nila dapat malaman. Hindi.
Sa wakas at nagising rin ako. Salamat naman.
Saturday, August 24, 2013
11
Matagal na ang nakalipas simula ng una tayong nagkita. Natatandaan ko pa rin na noon, hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit hindi ko maiwasang tumingin sa'yo. Ano nga bang meron sa'yo? Paulit-ulit ko iyan na tinatanong sa sarili. Hindi nagtagal nalaman ko rin naman.
Sa bawat araw na nagkakasama tayo, napansin ko kung paano ka ngumiti. Ang ngiti mo ay isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa'yo. Nakakahawa. Nakakabaliw. Nakakatunaw ng puso. Tulad ng ngiti mo, ang inosente lang din ng tingin mo. May kakaiba kang 'aura' na pilit akong nilalapit sa'yo. Idagdag mo pa ang boses mo na ang sarap lang pakinggan kapag nagkukuwentuhan tayo. Ang saya mo pang kausap. Grabe. Isipin mo yun, hindi tayo nagsasawa. Ang galing lang. Alam mo iyon, parang full package ka lang na may bonus. Parang nanalo lang din ako sa lotto. Ang swerte ko lang. Pakiramdam ko noong mga panahong iyon, ikaw na talaga. Ikaw ang gusto ko.
Sa mga araw na mas lalo tayong nagkasama, naramdaman ko na lang na palalim ng palalim ang pagsasamahan natin. Kung dati'y magkaibigan, tapos naging malabo at masaya, hanggang sa naging tayo na. Tayo na. Tayo pa rin. 11 buwan. Parang kailan lang hindi ba? Parang kailan lang noong nasa AS parking lot lang tayo. Parang kailan lang noong halos araw-araw tayong umuwi ng gabi. Parang kailan lang na ang adventurous lang natin pagdating sa mga bagay-bagay na para tayong mga bata na nakawala sa bahay para lang makapaglaro. Parang kailan lang noong magkasama tayo sa mga mahahalagang araw ng buhay natin.
Huwag mong sasabihin sa akin na hindi, 10 buwan pa lang. Maiinis lang ako sa'yo. Hindi mo ba nakikita? Hindi mo ba nararamdaman? Matagal pa tayong magsasama. Matagal pa tayong magtatawanan, mag-uusap, magdadate, magtatampuhan at magbabati. Matagal pa nating pakikisamahan ang isa't isa. Matagal pa tayong magmamahalan. Oo, matagal pa.
Siguro nararamdaman mo minsan na hindi na tayo tulad ng dati. Palagay ko parte lang naman ng kahit anong relasyon iyon. Pwede naman nating balikan ang mga bagay-bagay na dati nating ginagawa. Hindi naman ibig sabihin na hindi na natin ginagawa ang mga bagay na yun, hindi na natin ganoon kamahal ang isa't isa. Hindi naman magbabago na mahal kita. Hinding-hindi.
Kaya pagbigyan mo na ako pwede? Kahit gawin ko pang 12 yan o 24 o kung ano mang numero. Matagal pang tayo. Matagal na matagal pa.

Subscribe to:
Comments (Atom)